“Diklap”

“Lagindab” -Play

            Tagapagmulat ng madla sa mga pangyayari sa bansa. Ano pa nga ba ang mas magandangpamamaraan kundi sa larangan ng sining, nakakaaliw at nakakabahala ang amingnapanood sa dulang ipinalabas sa NCAS Auditorium. Talagang napakagagaling ngpag arte ng mga karakter sa dulang ito kaya naman nakakaaliw talaga sila atnakakatuwang panoodin, kung bibigyan ng ikalawang pagkakataon ay akin mulisilang panonoorin sa kadahilanang hindi lamang sila nagsasadula para sakanilang kasikatan o kaya para lamang may maipakita sa ibang tao pero para nadin sila’y makapagparating ng mensahe sa mga manonood nito tungkol sa mganangyayari sa ating kapaligiran na kung saan ang karamihan sa atin ay bulag okaya naman ay nagbubulag bulagan tungo dito.

            Sana dumami pa ang mga dula na tulad nito na hindi lamang may layuning makagawa ng ipapasa sa asignatura nila pero para na din makapaghayag ng mensahe sa mga manonood. Talaga ngang hindi maikakaila na andaming naantig sa istorya ng street vendor na nasa dula, andaming natakot sa realidad na ito’y nangyayari na talaga at hindi lamang basta isang piksyunal na kwento. Nakakaawa ang karakter sa kanyang pinagdadaanan sa istorya na iyon pero mas nakakaawa ang mga taong hindi maiimulat sa mga karumihan ng ating lipunan at kung tutuusin mas nakakaiyak ang kalagayan ng mga hindi nakakaalam sa mga ganitong bagay. Kung lahat tayo ay may layuning mapabuti ang lipunan pero hindi naman tayo mulat sa bigat ng mga pangyayari ay hindi din tayo makakatulong bagkus makakapagpabigat pa lalo.

Leave a comment